HOMEPAGE    RUFA MAE QUINTO    ARTICLES and INTERVIEWS    PHOTO GALLERY     MOVIES and MUSIC     TELEVISION     GUESTBOOK    CONTACT US     FREE EMAIL ADDRESS     HOTTEST LINKS     PEOPLE'S COMMENTS   

 

RUFA MAE, NOVELTY SINGER NARIN!
3/4/2004 1:23:00 PM

The Journal Group

Join na rin si Rufa Mae Quinto sa mga komedyanteng nagri-record ng novelty songs. Right after her taping ng Idol Ko Si Kap last Tuesday, dumiretso siya sa recording ng kanyang bagong album.

Tatlong songs ang gagawin ni Rufa Mae for the album, kabilang na rito ang theme song ng latest movie niya under Viva Films, ang Masikip Sa Dibdib sa direksyon ni Joyce Bernal.

Sina Janno Gibbs, Lito Camo at Ogie Alcasid ang mga composer ng kanta ni Rufa Mae. Si Janno ang nag-compose ng Baby Boy; ‘di matandaan ni Rufa Mae ang pamagat nu’ng ginawa ni Lito; at si Ogie para sa theme song ng Masikip Sa Dibdib

Abangan ang paglabas ng kanyang second album!

Malapit na mula sa VIVA Records!