HOMEPAGE    RUFA MAE QUINTO    ARTICLES and INTERVIEWS    PHOTO GALLERY     MOVIES and MUSIC     TELEVISION     GUESTBOOK    CONTACT US     FREE EMAIL ADDRESS     HOTTEST LINKS     PEOPLE'S COMMENTS   

  RUFA MAE, DI NA PINAGHUBAD!

A Phuket Island in Thailand pala pumunta sina Rufa Mae Quinto at Rudy Hatfield for the Holy Week. They are now back in town for the promo ng Masikip Sa Dibdib, which opens in more than 60 theaters on April 14.

Si Rufa Mae ang bida sa Masikip Sa Dibdib, which she co-produced with Viva Films. Mahalaga ang papel na ginagampanan ni Rudy, who makes his screen debut. As per her request, isa si Rudy sa mga kontrabida. Magiging dahilan si Rudy para umiyak si Rufa Mae. Matutuklasan kasi ni Rufa Mae na si Rudy, na kanyang pinakamamahal sa pelikula, ay may pananagutan na sa buhay.

"To make Rufa Mae cry is the one thing I’ll never do," ani Rudy. "I love her very much. In Masikip Sa Dibdib, let’s just say I am playing a role."

This is not the first time na magkasamang tumungo sa abroad sina Rufa Mae at Rudy. They spent Christmas 2003 together sa Detroit, Michigan, para makilala na ni Rufa Mae in person ang mga kamag-anak ni Rudy. Happily, welcome na welcome si Rufa Mae sa mga Hatfield.

"I blended beautifully with them," pahayag ni Rufa Mae. "Naging at home kaagad ako sa kanila. I think si Rudy na nga ang lalaki para sa akin."

* * *

NAKAUSAP nga pala namin si Direk Joyce Bernal at sinabi niyang siya mismo ay tawa nang tawa habang pinanonood at ini-edit ang Masikip Sa Dibdib.

"Natupad ang hangarin namin ni Rufa Mae to exaggerate, lalo na ang mga problema niya sa kanyang pamilya, to create laughter. Kunsabagay, ewan kung ibang artista ang nasa film kung magiging kasing-effective siya ni Rufa Mae. One thing with Rufa Mae, you can make her do anything, everything in a movie, at ’di mo siya mariringgan ng complaint. Napakagaling na niya. Napakamabait at masunurin pa," aniya.

It helps, according to Direk Joyce, na matagal na silang magkaibigan. Yes, way back during her days as a film editor ay magkaibigan na sila ni Rufa Mae. Kaya, she always finds it a breeze working with the sexy actress.

How would Direk Joyce compare Masikip Sa Dibdib with the movie that introduced Rufa Mae as Boobita Rose?

"I think she’s funnier here," maliksing sagot ni Direk Joyce. "May isang ginawa siya sa Booba na ’di ko ipinagawa sa kanya rito. Ang mag-strip-naked. First, because there was no need for it. Second, gusto naming makita ito ng mga kabataang na-miss panoorin ang Booba because that was for adults only."