HOMEPAGE    RUFA MAE QUINTO    ARTICLES and INTERVIEWS    PHOTO GALLERY     MOVIES and MUSIC     TELEVISION     GUESTBOOK    CONTACT US     FREE EMAIL ADDRESS     HOTTEST LINKS     PEOPLE'S COMMENTS   

 

FRANKLY SPEAKING by Vinia Vivar

MARAMI na ang nag-aabang ng pinakabagong teleserye ng GMA-7 which stars Rufa Mae Quinto, Ang Marinara kung saan sirena (of the Marina fame ni Claudine Barretto) rin ang role ng sexy comedienne.

Sinasabing spoof ito ng Marina at aminado naman ang GMA-7 tungkol dito. In fact, classified as comedy nga ang nasabing telenovela. Pero dahil tatlo nga ang katauhang gagampanan ni Rufa Mae, hindi lang Marina ang ii-spoof niya kundi iba't iba pang karacter na tiyak na kagigiliwan ng lahat.

First time ang ganitong klaseng teleserye sa Philippine Television, kaya naman hindi pa man nagsisimula ay mukhang patok na agad sa televiewers dahil inaabang-abangan na ang pagsasaere nito starting June 14 bilang kapalit ng Twin Hearts.